ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Was Dingdong-Marian wedding ‘thoughtlessly extravagant’? Netizens weigh in
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naganap nitong Martes, December 30, ang pinakaaabangang Kapuso Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Marami ang natuwa sa naganap na kasalan sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, na nasundan pa ng isang magarbong reception sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Dinaluhan ito ng malalaking personalidad, kabilang na si Pangulong Benigno Aquino III na nagsilbing Witness of Honor.
Sa kabila ng matiwasay na kasalan at reception para sa bagong mag-asawa, mayroong ilang Pilipinong tumaas ang kilay sa enggrandeng selebrasyon.
Nag-post ang blog na getrealphilippines.com ng isang pahayag na pinamagatang "Did the Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding violate the Philippine Civil Code against ‘thoughtless extravagance’?" na nagsasabing hindi makatarungan ang gastos na inilaan para sa kasal.
Ayon sa naturang post, "There is no doubt that the telegenic couple looked beautiful on their 'special day' but I couldn’t stop thinking about what the poor people are thinking about the extravagant celebration."
Dagdag pa rito, binanggit rin ng manunulat ang Article 25, Chapter 2 ng Philippine Civil Code na nagsasabing: "Thoughtless extravagance in expenses for pleasure or display during a period of acute public want or emergency may be stopped by order of the courts at the instance of any government or private charitable institutions."
Hindi man daw opisyal na idinedeklarang nasa 'state of emergency' ang Pilipinas, para sa nagsulat ng naturang blog, permanente nang nasa ilalim ng emergency o "period of public want" ang Pilipinas dahil sa estado ng karamihan sa mga mamamayan nito.
Nakakalungkot rin umanong isipin na tila hindi man lang nababagabag ang mga Pilipino sa malaking paggastos na binabalewala lang ng mga mayayamang mamamayan.
Iba-iba naman ang naging reaksyon ng netizens hinggil sa nasabing blog post.
"@ilda_talk: ... 'thoughtless extravagance' http://t.co/WEoTOynk52" Translates like "Kung pinamigay na lang sa mahihirap ang ginastos nila."
— edGy dulds (@phoete) December 30, 2014
http://t.co/deTvBoTOZX i mean wth? pinagipunan nila yon and for sure nakatulong sila sa mga needy...
— Joanna Marie (@jmdxxi) December 30, 2014
'Own way to help the needy'
Ilang comments naman sa naturang post ang dumepensa sa mag-asawa.
Ayon kay Lala Lascano, nagbabayad ng tax sina Dingdong at Marian at mayroon pa silang kani-kanilang foundation upang makatulong sa nangangailangan. "Dingdong and Marian do not have the responsibility to feed every hungry filipino’s mouth. They pay huge amount of taxes. And they have their own way to help the needy."
Matatandaang hindi tumanggap ng regalo ang bagong kasal mula sa kanilang mga bisita. Nakasaad sa mga imbistasyong ibinahagi nila na ipagpapasalamat nila kung mag-donate na lamang ang mga bisita sa Yes Pinoy! Foundation, na binuo at pinangungunahan ni Dingdong. Lahat ng matatanggap nilang regalo ay mapupunta sa naturang foundation.
"[The author] should have placed herself in the shoes of those who got paid to carry out that extravagant wedding. How they were able to feed their families because of it and how the money was circulated towards the different sectors of our society because of its vast expenditure. Sir, this is how democracy works. The article shows signs of communism and fascism that is why people consciously or subconsciously react to it with great ire," ayon naman sa user na si dickian.
Hindi pa nakapagbibigay ng reaksyon ukol sa paratang na ito ang kampo nina Marian at Dingdong. —KG/JST, GMA News
More Videos
Most Popular