ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy ex-girlfriend Grace Lee reacts to Leah Navarro's Twitter post


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila hindi pa humuhupa ang mainit ang diskusyon ng netizens tungkol sa hindi pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III (#NasaanAngPangulo ) sa arrival honors ng nasawing mga kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police nitong Huwebes.

Nitong Biyernes, ang ex-girlfriend ni Aquino na si Grace Lee, magbigay din ng reaksiyon sa Twitter post ng singer na si Leah Navarro tungkol sa isyu.

Basahin: Leah Navarro, idinipensa si PNoy sa mga puna na '#NasaanAngPangulo'

Sa kaniyang Instagram account, sinabi ng television host na si Grace na nakita niya sa kaniyang "feed" ang isang post ni Leah tungkol sa mga pumuna kung bakit wala si Aquino sa Villamor Air Base nitong Huwebes para salubungin ang mga labi ng tinawag na ngayon na "Fallen44."

Napag-alaman na ng mga sandaling iyon, nasa Laguna ang pangulo para sa pagpapasinaya ng bagong bukas na planta ng Mitsubishi Motors Corporation.

Wala man si Aquino sa arrival honors, nandoon naman ang ilang opisyal ng gobyerno tulad nina Vice President Jejomar Binay, Justice Secretary Leila De Lima, Interior Secretary Manuel "Mar" Roxas, Transport Secretary Joseph Emilio "Jun" Abaya, at Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
 
Nandoon din sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, at Sen. Nancy Binay.

Pero sa isang post ni Leah sa Twitter, sinabi nito na: "So how many of those people who dissed the President's absence from Villamor were actually there to condole?"

Ang nabanggit na post ang tinukoy ni Grace na nakita niya sa kaniyang Instagram "feed."

Reaksiyon naman dito ng dating nobya ng pangulo: "... There is only one head of the state. Only one commander in chief! You CANNOT compare the value of his presence to the presence of any ordinary citizen then use it against them when they voice out their frustration and anger!!"



Ang naturang reaksiyon ni Grace ay inayunan naman ng mga nagkomento sa kaniyang account.

Taong 2012 nang mapabalita ang naging relasyon nina Grace at PNoy.

Pero pa man ang reaksiyon ni Grace, nagpakita rin ng 'di pagsang-ayon sa post ni Leah ang ilang netizens pati na ang radio Dj na si Mo Twitter.



Hanggang nitong madaling araw ng Biyernes, nangunang sa trending topic sa Twitter ang #NasaanAngPangulo.

Pero sa isa pang post ni Leah, sinabi nito na: "So many proud of their 'where is the Pres' hash tag. Shame on you. #Fallen44 should've been No.1."

Nitong Biyernes ng umaga, nag-number one na sa trending topic sa Twitter ang #Fallen44. Pero nanatiling mataas pa rin sa listahan ang #NasaanAngPangulo. -- FRJ, GMA News