ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
How many babies for them? Isabel Oli wants 4, John Prats wants 14
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inamin ng engaged celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli na excited at ready na silang magkaanak agad matapos ang kanilang papalapit na kasal ngayong taon.
Ayon sa dalawa sa isang panayam sa Startalk nitong Sabado, nais nila ng malaking pamilya.
“Four” ang sabi ni Isabel nang tanungin kung ilang anak ang kanyang gusto, na pabiro namang dinugtungan naman ng “Fourteen” ni John.
“Kung ilan ang i-bless sa amin. Basta kami, we want a big family. A big happy family,” paliwanag ng aktor.
Tuloy-tuloy na nga ang paghahanda nina John at Isabel para sa kanilang kasal, at nitong holiday season nga, hinandugan ng isang surprise trip ni John ang kasintahan upang makapag-bonding at bakasyon, at para na rin makapamili ng kanyang wedding gown sa Amerika.
Ayon kay Isabel, si John mismo ang lumakad sa meeting para sa kanyang wedding gowns, na mula sa sikat na New York-based fashion designer na si Vera Wang. Magkakaroon daw siya ng dalawang damit para sa kanilang special day.
“Kinuntsaba ko yung nanay niya na ibigay sa kanya yung gift ko na ticket papuntang States. That was January 1, after New Year. Nakipag-meet na din siya for her wedding gown,” kwento ni John.
Samantala, pinag-iisipan pa ng magkasintahan ang exact date ng kanilang kasal, ngunit sigurado na daw na magiging garden o farm wedding ito, ayon na rin sa dream wedding ni Isabel.
“Kung ano ang dream wedding niya, yun din ang dream wedding ko,” ayon sa aktor.
Gusto umano ni John at Isabel na gawing simple at intimate ang kanilang kasal, na maaaring gawin sa resort ng pamilya ng aktor sa Batangas. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular