ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ryza Cenon admits being traumatized by showbiz intrigues


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gumaganap si Ryza Cenon bilang nakatatandang kapatid ni Empress Shuck sa bagong panghapong serye ng GMA Network, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?, na magsisimulang mapanood sa Lunes, February 9.

Wala raw problema sa kanya kung mas matanda pa kay Empress ang karakter niya dahil, “Malaking bulas lang siya, pero ate na talaga niya ako."

Parang nanay rin daw siya ni Empress sa teleserye dahil wala na silang mga magulang sa istorya.

"So, ako yung nagsasabi sa kanya na huwag siyang papayag na maging kabit, kasi ako, nangyari na sa akin. So, may pinaghuhugutan din ang character,” kuwento pa ni Ryza.

Naranasan na ba niyang magkagusto sa may sabit na? “Hindi, hindi…” nakangiti niyang sabi.

Kung sakali man daw mangyari sa kanya iyon, “Siguro kung talagang bulag na bulag na ako, baka. Yung sobrang in love, baka. Kasi kung bulag ka na, hindi mo na makikita. Like, yung character ni Empress, sobrang in love siya."

“Ako naman kasi, alam ko naman ang limitasyon ko.”

Misinterpreted

Si Ryza ang ultimate female winner ng StarStruck Batch 2, pero hindi siya nagkaroon ng ka-loveteam.

Puwede kayang sabihin na isa rin yun sa naging kulang sa kanya, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya?

Sabi niya, “Yeah, may time siguro, kasi before, yung ano namin before, naano ako agad… Na-misinterpret agad ako ng mga tao because of the issue of Jennylyn [Mercado] and Mark [Herras]."

"Sobrang laking effect nun sa akin, so parang nag-iba na ang tingin sa akin ng mga tao. Kaka-start ko pa lang nun, sobrang down agad, bumagsak agad ako."

Ang tinutukoy ni Ryza ay yung isyung na-link siya kay Mark at nagalit sa kanya ang fans ng loveteam ng aktor at ni Jennylyn.

Sabi pa niya, “May isyu pa na nagba-bar ako, tomboy ako. So, parang puro negative yung pasok. And I feel, because of those issues, parang nagkaroon ako ng block, wall."

"Kaya kapag tatanungin ako, sino ang friends mo sa showbiz, bilang po sa kamay ang mga friends ko sa showbiz.”

Saad pa ni Ryza, “Kaya kapag tatanungin nila, sino ang boyfriend mong artista, wala. Ayokong magkaroon ng boyfriend na artista.”

Sinasabi niya bang hindi pa siya nagkaroon ng kahit sinong boyfriend na artista?

“Wala, wala talaga at ayoko talaga,” diin niya.

Bakit ganun katindi ang pag-ayaw niya sa isang boyfriend na artista?

“I think, na-trauma ako sa nangyari. Kasi bata pa ko noon, na-trauma ako sa mga nangyari na, ganito pala?  And nakikita ko rin ang ibang friends ko na may boyfriend na artista at kung paano sila mag-struggle."

“Ayoko ng ganyan.” Rose Garcia/Pep.ph