ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: Andy Smith proposes to Diana Zubiri in Japan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong Sabado, nag-post ang aktres at dating sexy star na si Diana Zubiri ng larawan sa Instagram na nagpapakita ng kanyang engagement ring mula sa long-time model boyfriend na si Andrew 'Andy' Smith.
Matagal nang napapabalita ang engagement ng dalawa ngunit ngayon lang nila isinapubliko ang current status ng kanilang relasyon.
A photo posted by Diana Zubiri (@dianazubiri_) on
Nakasulat sa caption ng naturang Instagram post ang lyrics ng kantang 'This I Promise You' ng American boyband na N'Sync: "And I will take you in my arms. And hold you right where you belong. Till the day my life is through, this I promise you. This I promise you."
Samantala, nag-post rin si Andy ng snippet mula sa naganap na wedding proposal noong nagbakasyon ang dalawa sa Japan nitong Enero.
Background ng magkasintahan ang sikat na landmark sa Japan na Tokyo Sky Tree nang lumuhod si Andy upang mag-propose kay Diana, na tinanggap naman ng aktres at gaya ng marami, they sealed it with a kiss.
Ayon kay Andy sa Instagram post, “And I promise to love you for the rest of my life @dianazubiri.”
A video posted by Andrew Smith (@thisisandysmith) on
— Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News
More Videos
Most Popular