ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dasal para kay Jam Sebastian, dumagsa sa social media


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumagsa sa social media nitong Huwebes ang panalangin para kay Jam Sebastian matapos maiulat na lumubha ang kalagayan nito dahil sa kaniyang sakit na cancer.

Basahin: Kondisyon ng kalusugan ni Jam Sebastian, lumubha

Base sa Facebook post, sinabi ni Christopher Liggayu, ama ni Mich na fiancé ni Jam, napasugod sila sa ospital nang makatanggap ng emergency call mula sa pamilya ng binata na naka-life support na.

May isang taon na ang nakararaan nang matuklasan ang stage 4 lung cancer ni Jam, na sumikat sa Youtube at social media dahil sa tambalan nila ni Mich bilang "JaMich."

Narito ang ilan sa mga post ng panalangin para kay Jam mula sa Twitter:

-- FRJ, GMA News
Tags: jamsebastian