ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Kitchie Nadal marries Spanish boyfriend Carlos Lopez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
UPDATED 6:35 p.m.  - Matapos ang sunod-sunod na kasalan sa mga unang buwan ng taon, muli na namang nadagdagan ang listahan ng mga showbiz personality na pinasok na ang buhay may-asawa.
 
Nitong Huwebes, ikinasal na ang singer-songwriter na si Kitchie Nadal at ang kanyang Spanish boyfriend sa loob ng apat na taon na si Carlos Lopez.
 
Naganap ang autumn-themed Christian wedding ceremony sa Hacienda Isabella sa Tagaytay City.
 
 

Island Girl | @kitchienadal | @metroeventscape @teddymanuel @jasonmagbanua
 
 
 
 
 

A photo posted by mangored_studios (@mangored_studios) on











 
 
 
 

A photo posted by Kitchie Nadal (@kitchienadal) on












Nasundan ito ng isang private at intimate na selebrasyon sa Cebu kung saan nagkakilala ang dalawa. Naganap ang post-wedding celebration sa Alta Vista, Padro, Cebu kasama ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mag-asawa.
 
“At the party, everyone pitched in their contributions to the decorations. Artist friends helped out with the floral arrangements and even painted ‘Carlos and Anna’ on a banner in the early afternoon that even the groom helped set up,” kwento ng malapit na kaibigan ni Kitchie na si Niña Sandejas
 
Habang patuloy sa pagsulat at pag-awit ng OPM si Kitchie, nagsisislbi namang Spanish journalist at NGO worker na tumutulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda at sa mga Pilipino sa Bantayan Island si Carlos.
 
Kabilang sa mga pinasikat na awitin ni Kitchie ang "Huwag na Huwag Mong Sasabihin," "Same Ground," "Bulong," at revival ng mga sikat na OPM hits gaya ng "Himala" ng Rivermaya.  —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: kitchienadal