ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Rufa Mae Quinto enjoys 'yaya meal' at Balesin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa si Rufa Mae Quinto sa mga artistang sinulit ang Holy Week upang makapagbakasyon at makapagpahinga mula sa hectic schedule ng tapings, shootings, guestings, at iba pa.
Yaya meal I had it in balesin sarap .. Thanks again and again ?????????? #brunch
A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on
Nagtungo ang aktres at komedyante sa Balesin Island Club sa lalawigan ng Quezon, kung saan natikman niya ang ngayon ay sikat na sikat na "yaya meal."
"Yaya meal. I had it in Balesin. Sarap. Thanks again and again #brunch," aniya sa isang Instagram post nitong Martes.
Matatandaang naging usap-usapan ang tinaguriang "Yaya's Meal" na inihahain sa Balesin Island Club matapos ilabas ni Maggie ang kanyang hinaing ukol dito sa social media.
Ayon kay Maggie sa isang Facebook post nitong Sabado, hindi umano pumayag ang waiter na mag-order ang kanyang ina ng pagkaing na-order na kanilang yaya.
Dagdag pa niya, nakasasama ng loob na mayroong tinatawag na "Yaya Meal" dahil sa mga miyembro ng naturang resort na hindi pinapayagan ang kanilang mga katulong na mag-order ng gusto nilang pagkain. - Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular