ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado back in each other’s arms?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkabalikan na nga ba sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo?
Usap-usapan kasing magkasama ang dalawa—base na rin sa mga larawang ipinost nila sa social media—sa exclusive, for-members-only na Balesin Island Club sa Polillo, Quezon, nitong nakaraang Holy Week.
PICTURESQUE PHOTOS. Noong Biyernes Santo, April 3, nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram account ng isang larawang nagpapakita ng magandang tanawin sa naturang exclusive resort.
Kinabukasan, Sabado, April 4, si Dennis naman ang nag-post sa Instagram account niya ng iba pang magagandang tanawin sa isla.
Dito na nabuo ang espekulasyong nasa iisang lugar lang sina Jennylyn at Dennis.
Lalo pang lumakas ang kutob ng marami na magkasama nga ang dalawa nang muling nag-post si Dennis noong Linggo, April 5, ng isang larawang tila kuha sa isang restaurant sa resort, kung saan may nakatalikod na babae.
THE #DENJEN LOVE STORY. Taong 2010 naging magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis.
Matapos ang isang taon, naging masalimuot ang hiwalayan ng dalawa na nauwi pa raw sa pisikal na sakitan.
Ang kasunod na naging boyfriend ni Jennylyn ay si Luis Manzano, ngunit naghiwalay sila huling bahagi ng taong 2013.
Si Dennis naman ay naging girlfriend si Bianca King, ngunit naghiwalay rin sila agad noong 2012.
Nitong Lunes lamang, April 6, inamin ni Bianca na sa text lang siya hiniwalayan ni Dennis.
BASAHIN: Bianca King names Dennis Trillo as the ex-BF who broke up with her via text
Wala pa mang kumpirmasyon mula mismo kina Dennis at Jennylyn tungkol sa kanilang pagkakabalikan, labis na itong ikinatuwa ng kanilang fans, na kung tawagin ay #DenJen. -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: dennistrillo, jennylynmercado
More Videos
Most Popular