ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Heart Evangelista paints artwork on designer wedding dresses


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Matapos makapagdaos ng ilang painting exhibit nitong nakaraang mga buwan, abala pa rin si Heart Evangelista sa kaniyang pagpipinta.

Pero sa halip na canvas, mga designer wedding gown ang kaniyang pinipintahan.

Bahagi ito ng kaniyang collaboration sa fashion designer at kaibigan na si Mark Bumgarner.

Nitong Sabado ipinasilip ni Heart ang kanyang ginagawang dress canvas project, at nitong Linggo naman ay nag-post muli ang aktres sa kanyang Instagram account ng isang almost-finished product.

Kaakibat ng mga post na ito ang mga hastag na #lovemariexmark at #lovemarieXMB.

Matatandaang isinuot na ni Heart ang ilang obra ni Mark ngayong taon, kabilang na ang Swarovski-studded custom-made off-shoulder Chantilly lace dress na isa sa tatlo niyang wedding dress noong Pebrero.

Isa rin si Heart sa mga naglakad sa runway bilang pagtatapos ng ikatlong araw ng Manila Fashon Festival Fall/Winter 2015-2016. Suot niya ang isang red ballgown na bahagi ng L'Amour, ang 17-piece lineup na inayos at dinisenyo ni Mark. -- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News