ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae and Isabelle Daza miss each other
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bukod sa pagiging co-hosts sa Eat Bulaga, naging malapit rin si Ryzza Mae Dizon at si Isabelle Daza dahil sa pagtu-tutor na ginawa ng TV-host/actress sa child star tuwing magkasama sila sa backstage.
Gayunpaman, dahil sa career decision na ginawa ni Isabelle, minsan na lang magkita ang dalawa at naudlot na rin ang kanilang madalas na tutorial sessions.
Nitong nakaraang dalawang linggo, ipinahayag ni Ryzza ang pagka-miss niya sa kaniyang Ate Belle sa pamamagitan ng isang Instagram post.
I miss this girl so much ???? @isabelledaza
A photo posted by ???? The Ryzza Mae Show (@therealryzza) on
Sinagot naman ito ni Isabelle sa pamamagitan ng isa ring Instagram post noong nakaraang linggo.
Kahit na hindi na sila madalas magkita, sinisiguro pa rin ni Belle na nakakapag-usap sila ni Ryzza kahit man lang sa pamamagitan ng app na FaceTime, na hilig gamitin ni Aling Maliit upang makausap ang kaniyang mga ate at kuya sa showbiz.
Naglalaan rin ng oras ang aktres at TV host upang makagawa ng homeworks at exercises para kay Ryzza. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: ryzzamae, isabelledaza
More Videos
Most Popular