ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ex-beauty queen staying in Italy to give birth to baby with Cesar Montano?
By ARNIEL C. SERATO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkatotoo na ba ang bulung-bulungang mula sa Amerika ay tutuloy ng Italy sina Cesar Montano at Sandra Seifert upang doon daw ipanganak ang kanilang magiging supling?
Diumano, sa nakatatandang kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton muna mamamalagi si Sandra habang ipinagbubuntis ang anak nila ng actor-director.
Sa Italy nakatira ang kapatid ni Cesar na kilala rin sa tawag na Ate Ched.
Ayon sa Instagram post ni @butterfinger00000 nitong Sabado, May 9, magkasama raw sina Sandra at Marimer sa Italy.
Kalakip nito ang larawan ng dalawa.
Caption niya dito: “Kasama ni sister sandra ang mabait na kapatid ni cesar at tanging kumwestyon sa bunso ni Sunshine na anak daw si chesca kay jinggoy! Korek @showbizchika_ph???? Hahaahaha!! #baliw #hunghang #bruha #sandraseifert #cesarmontano”
Hindi malinaw kung luma o bago ang larawang ito, at kung saan ito kuha.
Matatandaang bago pa man ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., napabalitang magkasamang lumipad papuntang Las Vegas sina Cesar at Sandra.
Ayon pa sa mga ulat, manonood daw muna sila ng tinaguriang "Fight of the Century" bago tumulak papuntang Italy upang doon mamalagi hanggang sa makapanganak ang Miss Earth Philippines 2009 na si Sandra.
Sa isa pang post ni @butterfinger00000, sinabi nitong magkasabay sa isang eroplano sina Sandra at Cesar pero kunwari ay hindi raw magkakakilala ang dalawa.
Ngunit sa lumabas na larawan, hindi masyadong malinaw kung si Cesar ang lalaking naka-sumbrero at nakasalamin, pero maaaninag na si Sandra nga ang isang pasahero sa eroplano.
Tags: cesarmontano, sandraseifert
More Videos
Most Popular