ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former Viva Hot Babe Jen Rosendahl, anim na buwan nang buntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muli na namang nadagdagan ang listahan ng mga celebrities na nag-aabang ng pagdating ng kani-kanilang babies ngayong taon.

Nitong Lunes, inilahad sa pamamagitan ng isang Instagram post, ng dating Viva Hot Babe at 'Pepito Manaloto' star na si Jen Rosendahl ang kanyang pagbubuntis. Ipinakita ni Jen ang kanyang unang ultrasound.
 
Ayon kay Jen, anim na linggo na niyang dinadala ang magiging unang baby nila ng asawang si Jules Changco. Ikinasal sila noong September 2013 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.

 

6 weeks ?????????? 1st ultrasound ????

A photo posted by Just Sharing ???????????? (@jenrosendahl) on



Samantala, masaya naman ang mga kaibigan ni Jen para sa kanya at sa kanyang mabubuong pamilya, kabilang na ang dating kasamahan sa Viva Hot Babes na si Maui Taylor, na isa na ring mommy ngayon, pati na ang 'Pepito Manaloto' co-star niya na si Mosang.
 
"Finally! Congrats Jen!" ang maiksing pahayag ni Maui.
 
Ayon naman kay Mosang, "Whoa! Hello angel! Stay put at kapit kay Mommy @jenrosendahl. The whole world is excited for you. See you soon."  — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News

Tags: jenrosendahl