ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Heart Evangelista and Chiz Escudero dine with Heart’s parents
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang ilang araw ng pagpapahiwatig ng pagkakaayos nila ng kanyang mga magulang, ipinakita na nga ni Heart Evangelista ang larawan kung saan makikita siya sa isang dining table kasama ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero at ang kanyang mga magulang.
Ayon sa aktres sa isang Instagram post nitong Huwebes, "And then my life is perfect. Thank God for this moment."
Sinabi niya rin na "miracles do happen" at sinamahan niya pa ito ng hashtag na "happy family."
Keep believing...keep praying and you will see?? in Gods perfect time???? thank you...?? ?????????????????? pic.twitter.com/4JhfelZgo7
— LoveMarie O.Escudero (@heart021485) May 28, 2015
In God's perfect time...?? happy birthday mom! pic.twitter.com/UApJWCZKRZ
— LoveMarie O.Escudero (@heart021485) May 28, 2015
Matatandaang sunod-sunod ang post ni Heart sa social media nitong nakaraang linggo tungkol sa umano'y pagkakaayos nila ng kanyang mga magulang.
Bukod sa paglabas kasama ang mga ito, binisita rin si Heart ng kanyang ama at ina nitong weekend sa kanyang bahay sa Quezon City, ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa nila ito simula nang maikasal siya sa senador noong Pebrero.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang aktres at ang kanyang mga magulang noon dahil sa pagtutol nila sa relasyon sa pagitan ni Heart at Chiz, na nagresulta pa sa hindi nila pagdalo sa kasal ng dalawa nitong taon. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News
More Videos
Most Popular