ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mom-to-be Bianca Gonzalez-Intal still enjoys exercising even during pregnancy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinisiguro ng TV host-actress at mom-to-be na si Bianca Gonzalez-Intal na hindi niya napababayaan ang kalusugan lalo na ngayon na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ng PBA player na si JC Intal.
 
Kilala ang TV host bilang isang health buff, at ngayong malapit na siya sa ikaapat na buwan ng pagbubuntis, isa sa pinakapaborito niyang gawin upang masigurong healthy siya at ang kaniyang coming baby ay ang ilang workouts na aprubado ng kaniyang doktor, gaya ng swimming at pre-natal pilates.
 
Aniya, nakatutulong daw ito sa paglaban niya sa morning sickness, at maging sa buong araw na pagkahilo, sakit sa balikat, likod at sa binti, na madalas daw niyang nararanasang mula nang magdalang-tao.
 
Kasama ni Bianca kapag nagwo-workout ang isang master pregnancy trainer upang masigurong ligtas ang mga ginagawa niyang ehersisyo.
 
“So happy that my doctor recommends swimming as my workout, because its really been my cardio ever since! Gentle on the joints and on the tummy. Really also helps fight morning sickness (in my case, all day nausea). But of course, clear with your OB first what workouts you can do,” payo niya sa mga kagaya niyang pregnant mom-to-be.
 
Dagdag pa ni Bianca sa hiwalay na post, “Pre-natal pilates at @optionsstudiomanila as part of my regular (doctor-approved!!) workout to try to keep healthy and get stronger for the coming months.”
 
Nitong Disyembre nang nakaraang taon ikinasal sina JC at Bianca sa Palawan, at inanunsyo naman nila sa publiko ang pagbubuntis ng aktres nito lamang Abril.
 




 


-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News