Maria Ozawa on Robin Padilla: 'Oh my god he's so hot!'
"Oh my god he's so hot!' Ito ang nabanggit ng dating Japanese adult entertainment film star na si Maria Ozawa nang magsagawa raw siya ng research tungkol kay Robin Padilla na makakatambal niya sa pelikulang "Nilalang."
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing maglilimang taon na raw mula nang tumigil si Maria sa paggawa ng mga adult entertainment movie.
Wala daw pinagsisihan ang Japanese star sa kaniyang pinagdaanan, na bahagi na ngayon ng kaniyang nakaraan.
Basahin: Maria Ozawa reveals why she left the adult film industry
Ang paggawa na ngayon ng makabuluhang mga pelikula ang kaniyang pinagkakaabalahan bilang isang artista.
Nasa bansa ngayon si Maria para sa gagawin niyang pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na "Nilalang," kung saan leading man niya si Robin Padilla.
Horror ang tema ng pelikula at excited na raw ang dayuhang aktres na makatrabaho si Robin.
"After I checked him out on the internet, and I saw his picture, reviews, interviews, everything else... oh my god he's so hot," paglalarawan ni Maria kay Robin habang nagpapaypay pa ng kaniyang mga kamay.
Iba pang entry sa 2015 MMFF
Kabilang din ang ilang Kapuso sa mga bibida sa iba pang entry sa MMFF 2015. Kabilang dito sina Bosing Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas para sa pelikulang "Romcomin Mo Ako," na ididirek ni Jose Javier Reyes.
Kasama rin sina Jennylyn Mercado at JM de Guzman para sa "Walang Forever," na ididirek ng "English Only Please" director na si Dan Villegas.
Pasok ang "Hermano Pule," na obra ni direk Gil Portes kung saan bibida sina Aljur Abrenica, Enzo Pineda at Alessandra de Rossi.
Kasama naman sa reserved list ng MMFF ang pelikulang "Lakambini" na pinagbibidahan ni Lovi Poe.
Aabangan din ang iba pang entry na pangunguhan nina Mayor Herbert Bautista, Kris Aquino, Vice Ganda at Coco Martin. -- FRJ, GMA News