ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: What Michael V. did with a ballpoint pen in 15 minutes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi lamang sa pagpapatawa bumibida ang Kapuso actor and comedian na si Michael V., ngunit pati na rin sa art projects, sketches, at drawings na kanyang ginagawa bilang hobby.

Makikita sa Instagram account niyang @michaelbitoy ang ilan sa mga obra ng 'Bubble Gang' mainstay, at isa nga nga sa pinakabago rito ang portrait ng Jamaican musician na si Bob Marley.

Gayunpaman, kaiba sa mga naunang drawings at art projects na kanyang ginawa noon, kakaiba ang drawing na ito dahil bukod sa paggamit niya ng simpleng ballpoint pen, nagawa rin ito ni Bitoy sa loob lamang ng 15 minuto.

“What do you do with a ballpoint pen and 15 minutes?” aniya sa kanyang Instagram post nitong Sabado.

Minsan na ring ipinamalas ng batikang komedyante at “Pepito Manaloto” star ang kanyang talento sa art at pagguhit nang i-post niya ang pencil sketch ni Pope Francis na kanyang ginawa kasabay ng pagbisita ng Santo Papa sa bansa noong Enero.

 

What do you do with a ballpoint pen and 15 minutes?

A photo posted by michaelbitoy (@michaelbitoy) on



— Bianca Ros Dabu/DVM, GMA News