GMA News Online
Public Affairs

Skin and bones

July 19, 2007 1:10pm
Episode on July 21, 2007
Saturday late night



As the nation observes Nutrition Month this July, Sine Totoo features the documentary that opened the eyes of many Filipino viewers to the shocking extent of malnutrition in the Philippines.

“Buto’t Balat", written and hosted by Kara David, showed one dramatic case after another of children in Bicol suffering from extreme malnutrition.

Angela, the first child featured, was so thin she no longer had the strength to stand or walk. Julie Ann was an infant given coffee to drink instead of milk, because it was all her family could afford. 14-year old Jeremy was a teenage boy with the weight of a 2-year old toddler.

The idea of producing “Buto’t Balat" came about when Kara and her longtime director and executive producer Lloyd Navera discovered the Philippines ranks second to Sub-Saharan Africa in terms of malnutrition. In their interview with Sine Totoo host Howie Severino, Kara and Lloyd share their objective of calling both viewers and the government to action on this issue through the documentary.

“Buto’t Balat" was awarded the Best Social Awareness Program at the 2005 Asian TV Awards, the Silver Screen Award at the 2006 US International Film and Video Festival, and was a Finalist at the 2005 Japan Prize.

But a sad fate awaited the child subjects Angela, Jeremy, and Julie Ann. Find out their full story this Saturday late night over GMA-7, when Sine Totoo presents “Buto’t Balat".




Skin and bones

Kasabay ng paggunita sa Nutrition Month ngayong Hulyo, tampok sa Sine Totoo ang dokumentaryong naglantad ng nakagugulat at nakalulungkot na sitwasyon ng malnutrisyon sa bansa.

Nang malaman nina Kara David at kanyang matagal nang executive producer na si Lloyd Navera na pumapangalawa na sa Sub-Saharan Africa ang Pilipinas pagdating sa malnutrisyon, nagdesisyon silang gawin ang dokumentaryong “Buto’t Balat". Sa panayam sa kanila ni Howie Severino ng Sine Totoo, sinabi ni Lloyd at Kara na naging pakay nilang maimulat at umaksyon ang pamahalaan at mga manonood.

Ang “Buto’t Balat" ay nagpakita ng ilang bata sa Bicol na nakararanas ng matinding gutom. Si Angela, sa sobrang kapayatan ay hindi na makatayo’t makalakad. Kape na lang ang pinaiinom sa ilang sanggol tulad ni Julie Ann, dahil walang pambili ng gatas ang kanyang magulang. Si Jeremy naman, 14 na taong gulang na pero may timbang na pang-dalawang taong gulang lamang.

Ang “Buto’t Balat" nina Kara David at Lloyd Navera ay pinarangalan bilang Best Social Awareness Program sa 2005 Asian TV Awards, ng Silver Screen Award sa 2006 US International Film and Video Festival, at naging Finalist sa 2005 Japan Prize.

Ngunit malungkot ang sinapit ng kanilang mga nakilala sa dokumentaryong ito. Ang buong kuwento nina Angela, Julie Ann at Jeremy ng “Buto’t Balat" … panoorin sa Sine Totoo ngayong ika-21 ng Hulyo, Sabado ng hatinggabi sa GMA 7.
Go to comments