ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin Padilla and Mariel Rodriguez may be having triplets


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos niyang ibalita nitong Sabado na maaari silang magkaroon ng kambal na anak ng asawa at TV host and actress na si Mariel Rodriguez, masaya namang ibinahagi ng batikang action star na si Robin Padilla nitong Martes ang posibilidad na maging triplets pa ang ipinagbubuntis ng asawa.
 
Sa isang Instagram post na nagpapakita ng panibagong ultrasound results ni Mariel, ibinahagi ni Robin ang pahayag ng asawa: “Pwede daw maging triplets! Triplets or twins daw! 'Yung isa sa kanila may heartbeat na! Possibility pa lang yung triplets. Hindi pa sure kasi possible na nagfo-fold 'yung isa kaya nagiging 3 pero gulat na gulat si Doktora!”
 
“For the first time, nakita ko na kinilig siya! Sabi niya, 'The heartbeat made my day.' Masyado akong masaya! 1 has a heartbeat, 1 has a forming fetal pole, and 1 has a sac. All iba-ibang age. But I have a condition that I have to explain to you later so I will take blood tests,” dagdag pa umano ng aktres at TV host.
 
Sinundan naman ito ni Robin ng “Maria, Juan and Gabriela de Padilla. GOD WILLING IN SHA ALLAH! Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta.” 
 
 

Aug 3,2015 Asian Hospital/Clinic of DRA MANALO - pwede daw maging triplets!!! hahhahaha triplets or twins daw!!! but yung isa sa kanila may heartbeat na!!! possibility pa lang yung triplets eh hindi pa sure kasi possible na nagfofold yung isa kaya nagiging 3 pero gulat na gulat si doctora and for the first time nakita ko na kinilig siya sabi niya "the heartbeat made my day",masyado akong masaya!!!!! 1 has a heartbeat, 1 has a forming fetal pole and 1 has a sac. all iba ibang age. but i have a condition that i have to explain to you later so i will take blood tests. --@marieltpadilla ???????????? maria,juan and gabriela de padilla GOD WILLING IN SHA ALLAH maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta kay @organicaholic_mariel ????????????

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 
 
Matatandaang nitong nakaraang Marso, nakunan si Mariel sa unang anak sana nila ng action star, na tinawag niyang 'Cutie Pie' sa social media kasunod ng pagbuhos ng pakikiramay mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News