ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Father of AiAi delas Alas’ first child passes away


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Katatapos lang ng Sunday PinaSaya kahapon, August 16, nang matanggap ni AiAi delas Alas ang malungkot na balitang sumakabilang-buhay si Rey Maltezo dela Cruz, ang biological father ng kanyang panganay na anak na si Sancho Vito.
 
Ikinalungkot ni AiAi ang balita dahil, ayon sa kanya, ngayon pa lamang nagiging malapit sa isa’t isa sina Sancho at Rey.
 
Hindi pa tiyak ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Rey, pero sa pagkakaalam ni AiAi ay matagal nang may karamdaman ang ama ni Sancho.
 
Theater actor si Rey nang magkakilala sila ni AiAi at nagbunga ang kanilang relasyon.
 
Kahit estranged sila sa matagal na panahon, plano ni AiAi na dumalaw sa burol ni Rey para magbigay ng respeto sa ama ng kanyang anak.
 
Nangako naman si Sancho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magbibigay siya ng update kapag nalaman na niya ang kumpletong detalye tungkol sa burol at libing ng kanyang biological father. —PEP
 
For more showbiz stories, visit PEP.