ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Piolo Pascual, KC Concepcion kiss and make up in London
By NERISA ALMO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napatunayang “time heals all wounds” para sa dating magkasintahang sina Piolo Pascual at KC Concepcion.
Hindi naman kaila sa marami na naging masalimuot ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong 2011, at ilang taon silang hindi nag-usap.
Ngunit nitong nakalipas na weekend ay nagkasama sina Piolo at KC sa isang show sa London.
At doon ay nagkaroon ng pagkakataon mag-bonding ang dalawa, at patunay nito ang mga larawan nilang magkasama na na-upload sa Instagram.
Sa post ng kasamahan nilang si Erik Santos, makikitang kasama ng singer sina Piolo at KC.
May hashtag pa itong #lahatngsugatnaghihilom.
A photo posted by eriksantos (@eriksantos) on
Sa kabilang banda, kapansin-pansin namang wala na ang pait ng nakaraan sa pagitan nina Piolo at KC sa larawang ibinahagi ng AdProm head for publicity and media relations na si Eric John Salut.
A photo posted by EJ Salut (@ericjohnsalut) on
Bukod kay Piolo, may ilang fans din ang nakapansin sa pagtatabi sa isang bus ni KC at ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino, kasama ang ilang pang stars.
Naging balita rin sa showbiz ang breakup ng dalawa.
—PEP
For more showbiz stories, visit PEP.
Tags: piolopascual, kcconcepcion
More Videos
Most Popular