ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'AlDub' tandem, mapapanood sa pelikulang kalahok sa MMFF
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lalong magiging masaya ang darating na Pasko ng mga tagasuporta ng tambalang "AlDub" nina Alden Richard at Maine "Yaya Dub" Mendoza.
Sa pamamagitan ng isang Twitter post, nagpahiwatig ni Direk Mike Tuviera na kasama na rin si Maine sa pelikulang "My Bebe Love" na pagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi Delas Alas.
"Maine. MMFF 2015. Merry Christmas, #AlDubNation!!!! #ALDUBForTALKNTEXT," saad sa Twitter post ni Direk Mike, anak ni Antonio Tuviera, ang chairman ng Tape Inc. na namamahala sa Eat Bulaga.
Maine. MMFF 2015. Merry Christmas, #AlDubNation!!!! #ALDUBForTALKNTEXT
— Michael Tuviera (@DirekMike) September 15, 2015Una rito, sinabi nitong nakaraang linggo ni Joey Reyes, direktor ng "My Bebe Love," na tiyak nang kasali sa pelikula si Alden pero hindi pa sigurado si Maine dahil sa ilang usapin tulad ng schedule nito sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Pero nitong Martes, nag-post din si Direk Joey ng mga larawan sa kaniyang social media account na kasama si Maine. Kaagad namang nagkomento at nagtanong ang maraming supporters ng AlDub tandem kung magkakasama na rin ba ang kinilalang dubmash queen sa naturang pelikula.
Isa sa mga larawan ni Direk Joey ang may nakasaad na, "ALAM NA."
Ang AlDub tandem ay itinuturing phenomenal love team dahil sa tindi ng suporta ng publiko na nagsimula sa tinawag na kalyeserye ng Eat Bulaga.
Mula nang mabuo ang kanilang tambalan noong Hulyo, dalawang beses pa lang nagkikita nang personal si Alden at Maine.
Pero sa kabila nito, nakagawa na kaagad sila ng dalawang major product endorsement kahit hindi rin personal na magkasama sa naturang commercial. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular