ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Makeup artist reveals why it's hard to get glam shots of Maine Mendoza
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Simpleng-simple ang dating ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga araw-araw, ngunit marami pa rin ang nakakapansin sa angkin niyang kagandahan.
Lalo pang lumabas ang ganda ng isa sa mga itinuturing na fastest-rising star sa kaliwa't kanang endorsements na pinagbibidahan niya.
Bahagi ng trademark Yaya Dub look ang ponytail, simpleng make up, at ang striking red lips.
Kahit na kumakalat ang iba't ibang glamour shots ni Maine, inamin ni Krist na mahirap hulihin ang seryosong mukha ng dalaga.
Aniya, tila mas sanay talaga ito sa pagpapapangit at wacky poses sa harap ng camera.
"Huhulihin mo talaga siya para makakuha ka ng glam shot. Kasi in a snap, naka-wacky na siya agad. She really likes to make faces," pagbabahagi ng celebrity make up artist. —JST, GMA News
More Videos
Most Popular