ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Maine on Alden courting her for real: 'All he has to do is ask my parents'
By ERWIN SANTIAGO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tiyak na magdiriwang ang buong AlDub Nation kapag nalaman nila ang sagot ni Maine Mendoza sa tanong kung may pag-asa si Alden Richards kung sakaling manligaw ang Pambansang Bae sa kanya.
"Mayroon po!" natatawang sagot ni Maine nang tanungin ng veteran entertainment columnist na si Ricky Lo kung may posibilidad na maging sila ni Alden sa tunay na buhay.
Eksklusibong nakausap ni Ricky si Maine pagkatapos ng unang pag-akyat ng ligaw ni Alden sa karakter niyang si Yaya Dub sa Kalyserye ng Eat Bulaga! noong Sabado, September 26.
Ginanap ang interview sa isang mansyon sa New Manila, Quezon City, na malapit sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga.
Ang panayam ni Ricky ay para sa bagong weekly celebrity talk show ng GMA Network na CelebriTV.
Sa on-cam interview ni Ricky kay Maine, sumagot ang dalaga sa pamamagitan lamang ng fan signs.
Kung sakaling manligaw nga nang totohanan sa kanya si Alden, wala raw kundisyon si Maine.
"All he has to do is ask for my parents' permission," sabi ng 20-year-old Dubsmash Queen.
Ano naman ang naramdaman niya sa "second date" nila ni Alden?
Tugon ni Maine, "Kilig siyempre pero kinabahan."
Maliban daw sa dimples at mga mata ni Alden, ang isa pang nagustuhan ni Maine sa Kapuso actor-TV host ay ang pagiging "super gentleman" nito. - PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular