ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal prepares for her most challenging role yet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Balik-teleserye ang Kapuso actress na si Kris Bernal ngayong nakatakda siyang bumida sa GMA Telebabad show na "Little Mommy" kasama ang child star na si Chlaui Malayao.

Gaganap bilang isang nanay na may sakit sa pag-iisip si Kris, na nagiging dahilan kung bakit bata pa rin mag-isip ang kaniyang karakter kahit na matanda na ito at mayroon nang anak.

Aminado si Kris na na-miss niya ang pagganap sa teleserye, kaya naman excited na umano siya sa bagong project na ito.

Aniya sa isang Instagram post, "Excited to work with a team that is committed to their job, engaged in their work, and always ready to give the best of their ability! I can't wait to start but I know I need a tremendous amount of time to prepare for this whole new different character! I so badly miss being busy with tapings! This is it!!! Thank you Lord! Your timing is always perfect!"



Dahil sa bigat ng papel na gagampanan, sinisimulan na ni Kris ang matinding paghahanda para sa kaniyang bagong teleseryeng pagbibidahan.

Aniya sa panayam ng Balitanghali, bukod sa acting workshops, nagkaroon rin daw siya ng immersion activity sa community ng mga taong may sakit sa pag-iisip.

Bukod pa rito, nakipag-usap rin si Kris sa isang psychiatrist upang maintindihan pa lalo ang sitwasyon ng mga dumaranas ng ganitong klaseng karamdaman.

"Hindi siya madali kasi 'yung character ko, mayroon siyang disability. Feeling ko so far, ito 'yung magiging pinakachallenging role for me sa lahat ng ginawa kong drama at sa lahat ng pag-iyak-iyak ko. Ito yata talaga 'yung mapapasubok ako," ayon sa aktres.

Dagdag pa niya, "Grabe 'yung preparations, 'yung immersions at workshops na kailangan kong pagdaanan. Kailangan kong pag-aralan kung paano ko siya gagawin. May pegs ako, may pinanood akong movies tapos bumisita rin ako sa may mga ganoong situation."

Bukod kay Kris, mapapanood rin sa "Little Mommy" sina Superstar Nora Aunor, Bembol Roco, Eddie Garcia, Mark Herras, Juancho Trivino, Hiro Peralta, Sunshine Dizon, at Renz Fernandez. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News