‘Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon’ tickets officially sold-out
Kinumpirma ng TicketWorld nitong Martes na sold-out na ang tickets para sa "Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon" na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa darataing na October 24.
Matatandaang gumawa ng panibagong record ang Eat Bulaga supporters at AlDub Nation nang basagin nila ang record sa first day ticket sales ng TicketWorld makaraan lamang ang tatlong oras mula nang ianunsyo ang tungkol sa pagbili ng ticket nitong Sabado.
Simula Lunes nang hapon, ilang fans na ang nag-post sa social media tungkol sa pagiging sold-out ng tickets para sa naturang pagtitipon.
Once again Congrats ALDUBNATION! This is Another history we are making ! Thank you! #ALDUBRoadToForever (ctto) pic.twitter.com/1aLE6voqCB
— AD|MD CHIBA (@Aldub_ChibaJP) October 19, 2015 When you see it. ???? #ALDUBRoadToForever pic.twitter.com/IxARCo8ewY
— Edward Jay Quinto (@SirQuintoFTW) October 19, 2015Ang 'Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon' ay itinuturing na isa sa pinakamalaking pagtitipon sa kasaysayan ng longest-running noontime show.
Matapos magkaubusan ng tickets, tinatayang higit sa 50,000 katao ang dadalo rito upang punuin ang Philippine Arena, ang itinuturing na largest indoor arena sa buong mundo.
Ang nalikom na pondo mula sa mga nabiling tiket—na nagkakahalaga ng P150 hanggang P1,200—ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga tatawaging "AlDub library" sa iba't ibang bahagi ng bansa. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News