ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Dingdong and Marian shoot scenes for GMA's Christmas Station ID


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Higit sa isang buwan na lamang bago ang Pasko, at inihahanda na ng Kapuso Network ang taunang Christmas Station ID.
 
Nitong Martes, ibinahagi sa Facebook page ni Marian Rivera ang ilan sa mga behind-the-scenes photo mula sa ginagawang station ID.
 
Makakasama niya rito ang asawa at ang excited dad-to-be na si Dingdong Dantes.
 
 
 
 
 
 
 
 
Kitang-kita sa mag-asawa ang karagdagang saya na hatid ng kanilang pagmamahalan at ng nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak.
 
Walong buwan nang buntis si Marian, at nakatakda nang makilala ng kanilang pamilya, mga kaibigan at tagahanga si Baby Maria Letizia bago matapos ang taon. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News