Vic Sotto celebrates bachelor party with family and friends
Kamakailan lamang nang idaos ang unang bridal shower para sa “Eat Bulaga!” Dabarkads at Kapuso actress na si Pauleen Luna na sinundan agad ng isang bachelor party para naman sa kaniyang mapapangasawang si Bossing Vic Sotto.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang bachelor party para sa batikang host-actor ay ang kaniyang mga kapatid na sina Tito, Val, at Maru, mga anak na sina Oyo Boy at Vico, at mga pamangkin na sina Wahoo at Gian.
Naroon din ang kaniyang mga kaibigan mula sa “Eat Bulaga!” na sina Jimmy Santos, Anjo Yllana, Jose Manalo, at Wally Bayola.
Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Pauleen sa mga naging bahagi ng bachelor party ni Vic.
Aniya, “I just want to thank you all for making him SOOOOO happy! Good job guys!!!!!! God bless you all!!!”
#BossingsBachelor everyone's almost here! We missed you ninong Joey! @angpoetnyo #SOTTOpamore
A photo posted by Wahoo Sotto (@wahoosotto) on
Makikita sa nasabing larawan na pare-parehong damit ang suot ng mga nagsidalo, at nakasulat dito ang date na January 30, 2016, na inaasahang petsa ng kasal nina Bossing at Pauleen.
Bukod diyan, nakasulat din ang mga katagang “Is that your final answer?” na hango naman sa sikat na linyang binabanggit ni Vis sa game show na “Who Wants To Be A Millionaire?”
A photo posted by Tito Sotto (@helenstito) on
—ALG, GMA News