ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Remains of German Moreno arrive at Loyola Memorial Park for interment


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakarating na ang mga labi ng Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Ito ang magsisilbing himlayan ng 82-taong gulang na beteranong aktor at host na nagsilbing tatay-tatayan ng ilan sa mga malalaking bituin sa showbiz.

Bago siya tuluyang ilagak sa huling hantungan, magkakaroon ng programa kung saan magsasalita ang ilan sa mga mahal niya sa buhay.

Nakatakda ring mag-alay ng kanta ang ilan sa mga artistang malapit ang loob kay Kuya Germs sa loob ng 50 taon nito sa industriya.

Kabilang sa mga artistang makikibahagi sa huling pamamaalam kay Kuya Germs sina Jonalyn Viray, Billy Crawford, Shaina Magdayao, Vina Morales, Jestoni Alarcon, at marami pang iba.

 

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News