ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

IN PHOTOS: Unang AlDub Library sa Mindanao, binuksan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos buksan ang unang AlDub Library sa Lumban Central Elementary School sa Laguna noong nakaraang buwan, ipinakita naman sa Eat Bulaga nitong Sabado ang pagpapasinaya ng AlDub Library sa Tambacan Elementary School sa Mindanao.

Ang Tambacan Elemtary School ay isa sa mga paaralan na may pinakamalaking populasyon ng mga mag-aaral sa Iligan city, Lanao del Norte.

Aon kay Maam Jessica Zamora, school principal, dahil sa kakulangan nila ng silid-aralan, ginawa na rin nilang classroom ang kanilang library.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga guro at mag-aaral na nakasama ang kanilang paaralan sa napili ng Eat Bulaga na maging benepisaryo ng AlDub Library project, na ang pondo ay mula sa kinita sa "Ang Tamang Panahon" show ng Eat Bulaga noong nakaraang Oktubre.

Mensahe ng librarian na si Maam Janeth Fantilano, hindi lang tuwa, kilig at moral lesson ang dala ng kalyeserye na pinangungunahan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza, dahil ngayon ay mas lalawak pa raw ang kaalaman ng kanilang mga mag-aaral sa tulong ng AlDub Library.

Tiniyak naman ng mga dabarkads ng Eat Bulaga sa pangunguna ni Sen. Tito Sotto na marami pang AlDub library na bubuksan sa iba pang bahagi ng bansa sa mga darating na araw.

 

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJimenez, GMA News