ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

What Maine Mendoza does when driving alone


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinahagi ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza ang nakakatuwang video compilation niya mula sa sarili niyang Valentine's Day road trip.

Matapos ang road trip nila ng Pambansang Bae at Kapuso heartthrob na si Alden Richards papuntang Tagaytay nitong Sabado, tila nabitin ang phenomenal Kalyeserye star at nakahanap pa ng pagkakataong mag-drive nang mag-isa.

Aliw na aliw sa pagli-lip sync ng iba't ibang awiting ang dalaga, tulad ng ginagawa niya sa mga sumikat niyang Dubsmash videos.

Bukod sa video na ito mula sa solo road trip niya, tila may sorpresa pang inihahanda ang dalaga para sa kaniyang ka-loveteam.

Sa isang tweet nitong Miyerkules, sinabi ni Maine, “I have a late monthsary and advanced weeksary gift for ADN! It's almost done!!! Can't wait for you guys to see it!”

 

 

—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News