WATCH: Babaeng sumali sa 'Wowowin,' naluha sa alok na tulong ni Willie Revillame
Saya, biyaya at pag-asa ang hatid ng programang Wowowin ni Willie Revillame. At hindi naman nabigo ang isang 27-anyos na babae na kalahok sa "Patalbugan" nang mag-alok ng tulong sa kaniya si Kuya Wil para maipasuri ang kaniyang mukha sa duktor kung maaari itong ipagamot.
Inalok ni Willie ang kalahok na si Princess na pasasamahan sa staff na magpatingin sa duktor para malaman kung maaaring ayusin ang problema sa bahagi ng ilong niya na taglay na raw niya mula nang isilang.
"Pasasamahan kita sa staff ko, pasasamahan kita sa duktor. Aalamin natin kung pupuwede kasi baka sabihin ng duktor na hindi puwede , baka makakadisgrasya pa o baka makakaapekto sa'yo, hindi dapat gawin," sabi ni Willie kay Princess.
"Pero kung puwede, sige ipagagamot kita," dagdag ni Kuya Wil.
Bago nito, tinulungan din ni Willie si Princess na manalo sa "Patalbugan" upang makapag-uwi ito ng premyo na P20,000.00.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News