ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Maine Mendoza's scent collection sells out in 15 minutes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inilabas na ngayong Huwebes ang “Maine for Bench Scents,” ang celebrity scents collection ng Bench mula sa Dubsmash Queen at “Eat Bulaga!” host na si Maine Mendoza.
Ayon sa Instagram post ng Bench, labinlimang minuto lamang ang lumipas mula nang magbukas ang isa nilang branch sa Quezon City, at naubos agad ang mga pabangong Maine Girl, Maine Forever, at Maine Love.
Bukod sa sunod-sunod na endorsements at showbiz projects, nakatakda ring bumida si Maine kasama ang kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards sa Lenten Special ng "Eat Bulaga!" sa susunod na linggo.
Mayroon ding aabangang pelikula ang AlDub Nation, ayon kay Alden, matapos ang tagumpay ng "My Bebe Love" noong nakaraang taon. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular