ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIND OUT

Who will Dingdong, Solenn, and co. play in new Encantadia


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ipakilala si Marian Rivera bilang ang gaganap na Ynang Reyna sa 2016 remake ng Kapuso fantasy series na “Encantadia,” ipinakilala naman ngayong Lunes ang mga gaganap bilang Sang'gre, o ang mga magkakapatid na nangagalaga sa Brilyante ng Hangin, Apoy, Tubig, at Lupa.

Gagampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez ang magkakapatid na sina Sang'gre Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.

Kabilang rin sa cast ng “Encantadia” sina Mikee Quintos bilang Lira, Kate Valdez bilang Mira, Migo Adecer bilang Anthony, Ruru Madrid bilang Ybarro, Rocco Nacino bilang Aquil, at John Arcilla bilang Hagorn.

Bibida rin sa nasabing fantasy series sina Pancho Magno, Rochelle Pangilinan, Solenn Heussaff, Buboy Villar, Klea Pineda, Christian Bautista, Enzo Pineda, at si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Inaasahang mapapanood ang inaabangang retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” ngayong taon.

 

 
 
 
 
 
 

 

—JST, GMA News