ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby Zia, may commercial na;  Mommy Marian, excited na sa Encantadia at talkshow


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Proud mom ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang ibalita ang pagsalang ni baby letizia sa isang endorsement. Excited na rin siya sa pagbabalik ng "Encantadia" at bagong talkshow na hahawakan.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Marian na blessing ang sunud-sunod na pagdating ng mga endorsement offer.

Kahit nga raw isa na siyang ina, kinukuha pa rin siyang endorser ng mga produktong pampaganda.

Pero hindi naitago ni Marian na ibida ang produktong iiendorso nila ng mister na si Primetime King Dingdong Dantes at ang kanilang anak na si baby Zia.

"Hindi siya iyakin na bata. Sabi ko nga, nag-timeout lang kami para magdede siya sa akin, tapos dire-diretso, smile pa rin siya nang smile," masayang kuwento ni Marian.

Samantala, excited na rin si Marian sa mga show na gagawin niya sa GMA tulad ng "Encantadia" at isang talkshow na pang-umaga.

Natutuwa raw siya sa mga artistang makakasama niya sa "Encantadia" at gustung-gusto rin niya ang costume na kaniyang isusuot bilang Ynang Reyna.

Excited na rin daw siya na makatrabaho ang mga kasama sa fantaserye lalo na ang mga cast na first time niyang makakasama.

Bukod sa "Encantadia," naghahanda na rin si marian sa sisimulang niyang daily morning talkshow sa GMA.

"Sabi ko nga nu'ng binigay sa akin 'yung talk show parang 'yung nararamdaman ko, na-excite ako at the same time marami akong tanong. Kasi siyempre hindi ko forte ang pagho-host pero sabi ko nga, bakit hindi ko subukan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa?," ayon kay Marian. -- FRJ, GMA News