Maine, Alden, Kapuso stars win at 47th GMMSF Box-Office Entertainment Awards
Tinanggap ng iba't ibang Kapuso stars at programs ang ilang parangal mula sa 47th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box-Office Entertainment Awards (GMMSF-BOEA) na naganap nitong Linggo sa Quezon City.
Kabilang sa mga pinarangalan ang phenomenal Kalyeserye stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza bilang Breakthrough Male and Female Stars of Philippine Movies and TV.
Tinanggap rin ng Dubsmash Queen at Kalyeserye Sweetheart ang Most Promising Female Star award para sa kaniyang pagganap sa pelikulang “My Bebe Love,” habang ang noontime show na “Eat Bulaga!” naman ang hinirang na Most Popular Noontime TV Program.
Iginawad naman sa “Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon” ang parangal na Highest Rating of a Noontime Show of All Times.
Sa pahayag ni Maine kasabay ng pagtanggap niya ng kaniyang parangal, sinabi ng host-actress, “Salamat po sa lahat ng bumubuo ng GMMSF sa pagpaparangal sa akin bilang Most Promising Star. Hindi ko alam kung karapat-dapat sa akin itong award na ito, pero nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal.
most promising star ka pla @mainedcm!!! congrats!!!! ????????????????????????
A video posted by patchypie (@patchypie) on
Tinanggap naman ng Kapuso actor na si Ken Chan ang Most Promising Male Star award para sa kaniyang pagganap sa GMA Afternoon Prime series na “Destiny Rose,” habang sina Andre Paras at Barbie Forteza naman ang hinirang na Most Promising Loveteam on TV para sa kanilang pagbida sa “The Half Sisters.”
Box Office King and Queen naman ang mga bida ng “My Bebe Love” na sina Vic Sotto at AiAi Delas Alas, at Film Actress of the Year si Jennylyn Mercado kasunod ng pagganap niya sa pelikulang “Walang Forever.”
Female Concert Performer of the Year naman si Asia's Songbird Regine Velasquez para sa pagiging bahagi niya ng matagumpay na “The Ultimate Concert.”
Most promising TV star - Male @akosikenchan Congrats Nak ????????????????????
A photo posted by Rams David (@ramsdavid86) on
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News