ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sanggol, hinihinalang namatay sa matinding pagyugyog ng sariling ina
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang kubo ang isang-buwang-gulang na sanggol sa Basista, Pangasinan. Ang suspek sa krimen, sarili niyang ina na hinihinalang nakararanas ng depresyon.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitang Pilipinas nitong Martes, sinabing nakita ng lolo ang walang buhay na sanggol na may rosaryo sa leeg habang hawak ng sariling ina.
Unang inakala ng mga imbestigador na pagkakasakal ang dahilan ng pagkamatay ng bata.
Pero sa awtopsiya, lumitaw na blood clotting sa internal organ ng bata na posibleng dulot umano ng matinding pagyugyog.
Hindi na makausap ang ina sa kulungan.
Pero ayon sa mga kaanak, nakaranas ng depresyon ang ginang mula pa noong 2012 nang iwan ito ng kaniyang asawa. -- FRJ, GMA News
Tags: infantdeath, parricide
More Videos
Most Popular