ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes at ilang cast ng 'Encantadia,' sumabak sa training


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sasabak na sa taping ng "Encantadia" si Dingdong Dantes, at kaagad daw siyang mapapasabak sa bakbakan. Kaya naman ang Kapuso Primetime King, todo ang ensayo kasama iba pang cast member ng fantaserye.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing sumabak sa kaniyang pangalawang araw ng pagsasanay ni Dingdong.

Mistula raw nag-flashback sa aktor ang mga ginawang fight scenes sa naunang "Encantadia."

"Naalala ko yung itinuro sa akin ten years ago, pero masarap ngayon dahil siyempre may mga bago nang ano, lessons and kumbaga, nag-evolve na rin yung mga ginagamit na mga sandata," saad ni Dingdong.

Kasabay niyang nag-training ang iba pang bituin ng Encantadia 2016 tulad nina Gabbi Garcia, Ruru Madrid at Pancho Magno.

Natutuwa si Dingdong na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA ang papel ni Raquim na dating ginampanan ni Richard Gomez.

"Mahalaga yung role kasi ni Raquim dahil siya yung isa sa mga maglalatag ng istorya saka magpapaliwanag kung bakit nangyari ito sa mga brilyante ng Encantadia," kuwento niya.

Isa pang ikinatutuwa ni Dingdong ay ang pagsasama nila ng misis na si Primetime Queen Marian Rivera bilang mag-asawang Raquim at Ynang Reyna sa inaabangang Kapuso series.

Sa Miyerkules ay magsisimula na raw siyang mag-taping at bakbakan daw kaagad ang kukunang eksena. -- FRJ, GMA News