ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Proud morena' Bianca Gonzalez hits back at bashers who called her baby 'negra'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Proud na ibinabahagi ng celebrity mom na si Bianca Gonzales sa social media ang ilan sa mga milestone ng anak kaniyang panganay na anak at unica hija na si Lucia, na anim na buwan na ngayong Abril.

Kamakailan lamang, ipinasilip ni Bianca ang larawan ni Baby Lucia kung saan makikita ang unang beses niyang kumain ng solid food.

 

 

Morena mommy, morena baby. ????

A photo posted by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) on

 

Marami man ang nagpapahayag ng kanilang suporta sa pamilya ni Bianca at ng kaniyang asawa at basketbolistang si JC Intal, may iilan pa ring nagbibitaw ng mga hindi magagandang komento laban sa kanila.

Sa pagkakataong ito, ilang netizens ang pumansin sa kulay ng balat ni Baby Lucia.

Tinawag ng Instagram user na si @joan132132 na “Negraaaa” ang anak ng kilalang host.

Dagdag pa nito, “Fantards hahahaha anong maganda diyan? Magkano bayad sa fans club niyo? Hahaaha... Hahaha ang usapan panget at negra pa din baby pa lang, kung gumanda man, thanks to science! Hahaha mga baliw na fans mga sinungaling”

Hindi naman ito pinalampas ni Bianca, at ipinagtanggol niya si Baby Lucia mula sa nasabing basher na nag-comment sa kaniyang Instagram post.

Ayon kay Bianca, “Negra talaga, Pinay and proud like her momma! May problema ka dun, girl?

Hindi na sumagot ang nasabing basher, ngunit may isa pang komentong pinansin ang proud mom ni Baby Lucia.

“Baby pa naman sya marami pang pwede magbago,” sabi ng Instagram user na si @hazelnut_29.

Sagot dito ng kilalang TV personality, “Magbago? Wala akong planong paputiin ang anak namin kung morena talaga siya paglaki niya. Bakit ba akala ng tao insulto sakin ang pagiging morena? It's a compliment. It's the color of Filipino skin. #proudmorena.”

Sa isang hiwalay na Instagram post, ipinasilip rin ng Bianca ang cute moment nila ni Baby Lucia habang nagbabakasyon sa isang beach.

Ayon kay Bianca sa caption ng larawan, “Morena mommy, morena baby.” —JST, GMA News