Mark Herras waiting for Winwyn Marquez to be ready before settling down

Nagpapasalamat si Mark Herras sa rumored girlfriend niyang si Winwyn Marquez sa ginawa nitong pagdamay at pakikiramay sa pagyao ng kanyang inang si Jasmin Santos.
"I’m very thankful for her dahil hindi niya ako iniwan doon sa mga araw na yun, kahit marami siyang ginagawa. Ang dami niyang ginagawa, gumagawa pa rin siya ng oras para samahan ako, para suportahan ako."
“Wala akong puwedeng ibang masabi kundi salamat nang marami sa kanya at natutuwa ako.”
Inamin ni Mark na hindi lang nakilala ng mama niya si Winwyn kundi nalaman din nito kung ano na ang namamagitan sa kanila ngayon.
“Yes, alam niya naman. Saka nakapunta kami ni Win before pa na nakakausap pa namin siya.”
Malaking bagay raw na nasa buhay niya ngayon si Winwyn, maliban sa kanyang anak, pagkatapos ng sunud-sunod na pagyao ng mga mahal niya sa buhay.
Sambit ni Mark, “Hindi ko alam [kung ano ang mangyayari sa akin]. I don’t know… siguro sobrang down ako ngayon. Yung aura ko, makikita ninyong sobrang down ako."
“Wala pang two years na namamatay ang dad ko, and then my mom. I’m just thankful na nandiyan yung anak ko at sobrang laking tulong ni Win sa akin.”
Is it official?
Masasabi bang official na ang relasyon nilang dalawa ni Winwyn?
Sagot ng 29-year-old Kapuso actor, "We want lang naman din na i-enjoy each other’s company. Ayaw lang namin na masyadong i-open sa public. Alam mo rin naman yun na minsan nakakagulo sa isang puwedeng mabuong relationship. Alam mo yung maraming taong nanghihimasok.”
Ayaw nang magkamali ni Mark kaya alam na raw niya kung paano patatakbuhin ang relasyon nila ni Winwyn.
Saad niya, "Alam mo, ang goal ko ngayon, gusto ko na ring magkaroon ng family. I’m turning 30 years old this year at nasa tamang age na rin ako."
“I’m just waiting for Win and saka maging okay ang career namin this year, these coming years.”
Settling down
Nababanggit lang, pero hindi raw nakalatag sa kanilang usapan ang pagpapakasal.
Paliwanag ni Mark, “Well, hindi naman talaga pinag-uusapan."
“It’s a normal thing naman na kailangan, before kayong mag-usap on having a family and settling down, dapat you have the money to provide. Like, magkaroon kayo ng bahay, future business na hindi lang kayo aasa sa showbiz.”
Ayon pa kay Mark, dalawang taon ang usapan nila ni Winwyn para makapag-decide tungkol sa kanilang magiging kinabukasan.
“Yes, two years max [maximum] siguro. I’m hoping magawa.”
Hindi pa raw ipinapaalam ni Mark ang mga plano nila sa mga magulang ni Winwyn na sina Joey Marquez at Alma Moreno.
“Hindi pa naman. Siyempre, we’re planning pa lang naman. Sana maayos ko lahat, magbibigay ako siyempre ng respeto.”
For more showbiz stories, visit PEP.