Baron Geisler involved in altercation with indie film actor Kiko Matos
Ilang araw pagkatapos kumalat ang video ni Baron Geisler kung saan makikitang nakikipag-away siya sa ilang estudyante, isa na namang panibagong video ng aktor ang umiikot ngayon sa social media.
Sa bagong video na ito, sangkot na naman sa gulo si Baron.
Dito ay makikitang nakipagsagutan at nakipagsuntukan siya sa kapwa niya aktor na si Kiko Matos.
In-upload ang naturang video ng isang Facebook user na may handle name na Medmessiah CombatBoi noong May 25.
Kuha diumano ito sa Tomato Kick bar sa Tomas Morato, Quezon City. Ngunit hindi nabanggit kung anong araw naganap ang insidente.
Isang nakasaksi umano sa insidente na nag-comment sa video at ipinagtanggol si Baron. Aniya, masyado raw bastos ang nakasuntukan ni Baron, na akala niya ay isang 'Amerikano.'
Ngunit kinilala ng ilang nakapanood nito ang lalaki bilang ang indie film actor na si Kiko Matos.
Ayon pa sa diumano'y nakasaksi ng pangyayari, pinagmumura raw ni Kiko ang waiter dahil matagal nai-serve ang kanyang order.
Narito ang eyewitness account ni Justin:
.jpg)
.jpg)
Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Baron upang kunin ang kanyang panig tungkol sa naturang video.
Nangako naman siyang magpapadala ng statement ngayong gabi.
Ngunit sa panayam ng News5 ngayong gabi, May 27, sinabi ni Baron na hindi pa sila tapos ni Kiko.
Samantala, wala pa ring pahayag si Kiko tungkol sa insidente.-- For the full story, visit PEP.