Kris Aquino all praises for 'Imagine You & Me'
Tulad ng maraming Pilipino ngayon, hindi rin pinalampas ng host-actress at Queen of All Media na si Kris Aquino ang panonood ng "Imagine You & Me," ang kauna-unahang solo movie ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards.
Nitong Lunes, kasama ni Kris ang kaniyang mga anak na sina Bimby at Josh sa panonood ng nasabing pelikula. Bukod sa mga teknikal na aspeto ng pelikula, binati rin ng host-actress ang pagganap ng mga bidang sina Alden at Maine, pati na ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.
Aniya sa isang Instagram post, "After seeing the movie, 1. I want to book a tour of Italy tonight, 2. Storytelling by Direk Mike Tuviera was warm and feel good, 3. My favorite DOP for my TVCs Shayne Sarte was masterful in showcasing Lake Como..." "4. With minimal scenes, Jasmine Curtis-Smith made me empathize with her character, 5. Alden Richards is not just handsome but he radiates a good heart, and 6. Maine Mendoza is appealing because she made being on-screen as Gara seem so light and effortless, magaan siyang panoorin," dagdag pa ni Kris.
Ipinapalabas ngayon sa mga sinehan ang "Imagine You & Me," ang kauna-unahang solo movie nina Alden at Maine na kinunan pa sa ilang bahagi ng Italy.
Magkakaroon din ng screening ang naturang pelikula sa iba pang bansa, tulad ng Amerika, Canada, United Arab Emirates, Singapore, at marami pang iba. — VVP/JST, GMA News