ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Paolo Ballesteros' 'Game of Thrones' transformations attract international attention


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

 

Napansin na naman maging ng ibang bansa ang mga kahanga-hangang make-up transformations ng Kapuso host-actor na si Paolo Ballesteros, na kamakailan lamang ay ginaya ang ilan sa mga karakter ng hit American fantasy drama TV series na “Game of Thrones.”

Maliban sa Buzzfeed Style at Elite Daily, tampok rin si Paolo sa isang artikulo ng Time.com nitong nakaraang Martes. 

“While the term 'fan art' usually conjures up images of pencil drawings of Disney princesses, Paolo Ballesteros, an actor, television host, and make-up artist in the Philippines, is delivering fan art that would make the Many Faced God proud,” ayon sa manunulat na si Melissa Locker.

Kabilang sa mga ginaya ni Paolo sina Arya at Sansa Stark, Cersei Lannister, Margeary Tyrell, Daenerys Targaryen, Melisandre, at Brienne of Tarth.

Nauna nang nagpahayag ng paghanga kay Paolo ang British actress na si Lena Headey, na siyang gumaganap bilang si Cersei Lannister.

 

 

Matagal nang pinupuri ng maraming tao mula sa iba't ibang bahagi ng mundo si Paolo dahil sa kaniyang mga nakakamanghang make up transformations. 

Makikita ang mga nakakabilib na make-up transformations ni Paolo sa kaniyang Instagram account na @pochoy_29, na kasalukuyan nang mayroong 1.7 million followers. —JST, GMA News