GMA News Online
Showbiz

Meryll Soriano gives birth to baby Elijah

August 27, 2007 7:20pm
Nagsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki ang young actress na si Meryll Soriano kaninag 10:01 ng umaga sa Makati Medical Center (MMC). Ang ina ni Meryll na si Bec-Bec Soriano ang nagdala kay Meryll sa ospital pasado alas-sais ng umaga. Ilang oras lang pagkatapos ay nanganak na agad si Meryll through normal delivery.

Elijah Pineda ang pangalan ng bata alinsunod sa pangalan na ibinigay ni Meryll mula sa propeta sa Bibliya. Si Elijah ay tumimbang ng 6.5 lbs. nang isilang ng young actress.

Agad na dumating sa ospital ang ama ni Elijah na si Bernard Palanca kasama ang kanyang ina na si Pita Revilla-Palanca. May kaibigang doctor sa MMC ang ina ni Bernard kaya nalaman nila agad ang panganganak ni Meryll.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tulog na tulog si Meryll nang dumating sa ospital si Bernard. Pagkatapos ay tuwang-tuwa na pinuntahan ni Bernard ang anak nila ni Meryll. At press time, groggy pa rin si Meryll habang nanatili pa rin si Bernard at ang kanyang ina sa ospital. Kaya hindi pa nakikita ni Meryll ang nakahiwalayang mister habang kausap ng PEP ang source na malapit sa young actress.

Very civil naman daw na hinarap ni Bec-Bec ang mag-inang Bernard at Pita. Wala naman daw kasing problema kay Bec-Bec ang mag-ina. In fact, nagbabalitaan din sila through text. Masaya silang lahat sa pagdating ni Elijah, na parehong unang apo nina Bec-Bec at Pita.

Kung gaano ka-excited nina BecBec at Pita, gayundin ang ama ni Meryll na si Willie Revillame. Sa labis na kasiyahan ay binati ni Willie ang kanyang unang apo sa kanyang panganay na anak sa noontime show nitong Wowowee kaninang tanghali. Si Willie rin diumano ang umako ng hospital bills ni Meryll at siya rin ang nag-insist na sa isang suite room i-confine ang anak sa MMC.

Ayon pa sa aming source, halo ang physical features ni Elijah na nakuha niya sa kanyang Lolo Willie at Daddy Bernard. Lutang na lutang daw ang lahing Revillame at Palanca sa hitsura ni baby Elijah.

Samantala, kasalukuyang nasa Amerika ang isa pang sikat na celebrity relative ni Elijah nang isilang siya—ang Diamond Star Maricel Soriano. Tumawag from the U.S. si Maricel ngunit ang kapatid lang nitong si Bec-Bec ang kanyang nakausap. Nasa Amerika si Maricel para sa international screening ng movie nila ni Aga Muhlach na A Love Story.

Mananatili sa ospital ang mag-inang Meryll at Elijah ng mga dalawa hanggang tatlong araw. - Philippine Entertainment Portal