ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nadine Samonte shares struggles, joy of motherhood
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mag-iisang buwan na mula nang isilang si Heather Sloane, ang unang anak ng mag-asawang Nadine Samonte at Richard Chua.
Aminado ang aktres na dumaranas siya ng paghihirap tulad ng maraming bagong ina, ngunit hindi niya raw ito iniinda dahil walang anomang kapalit ang kaligayahan at kalusugan ng kanilang anak.
“Totoo ang sinasabi nila na nakakapagod maging isang ina pero para sa'yo, anak ko, hindi ako mapapagod. Hindi ako magsasawang mahalin at alagaan ka Kahit gabi-gabi tayong gising, okay lang 'yun, kung sa ganoong paraan tayo magbo-bonding hehe!” ayon sa hands-on mom sa isang Instagram post nitong nakaraang linggo.
Dagdag pa ni Nadine, “Ang puso ko ay punong-puno ng pagmamahal para sa'yo. Isang ngiti mo lang, nakakatunaw na at wala na ang lahat ng puyat ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hehe! Lahat ng paghihirap ko dati para mabuo ka lang—ibang klase pala talaga ang kapalit! Naku, anak ko, mahal na mahal kita! Salamat, Panginoon!”
Sa mga naunang pahayag, ibinahagi ni Nadine ang mga paghihirap na kaniyang pinagdaanan habang ipinagbubuntis si Heather.
Dumanas ang aktres na APAS, o Antiphospholipid Antibody Syndrome na inilarawan ng thepoc.net bilang "a person’s antibodies are sort of on overdrive—they sometimes mistake their own body cells for foreign invaders, hence, attacking them. The antibodies attack all foreign bodies—which includes anything related to making a baby."
“I take 53 tablets a day. Una, 30 tablets for amino acids. Bukod pa yung injection ko na Heparin for my APAS para sa blood clot,” kuwento ng aktres.
Nagpapasalamat si Nadine sa suporta at pagmamahal ng kaniyang asawang si Richard Chua at ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.
Aniya, "Sobrang dami ng paghihirap ko sa pagbubuntis, lahat ng depression ko, for about two years, I was depressed, e, andiyan siya. Hindi niya ako binitawan, hindi siya lumayo sa akin, alam mo yun. Talagang sinuportahan niya ako."
“Mahirap, ang gastos lahat-lahat, pero I know it's super worth it,” pahayag niya kaugnay ng kaniyang pagbubuntis.
Oktubre noong 2013 nang magpakasal ang dalawa, at nitong nagdaang Pebrero ibinalita ng dating StarStruck Avenger na nagdadalang-tao na siya. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular