ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
‘KONTING TIIS NA LANG’

Movie, TV series in the works for Alden, Maine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng romantic-comedy film na "Imagine You & Me" nitong Hulyo, at mula nang magtapos ang Kalyeserye sa 'Eat Bulaga!' ngayong buwan, inaabangan na ng AlDub Nation ang susunod na proyekto ng phenomenal stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon kay Alden sa isang press conference nitong Martes, maging siya ay nasasabik na sa susunod na pagbibidahan nila ng kaniyang ka-loveteam.

Tulad ng mga nauna nilang proyekto, sinisiguro niya raw na "worth the wait" ang mga gagawin nila sa hinaharap.

"I'm very excited. After 'Imagine You & Me,' we will have a project together. Marami na namang ilu-look forward 'yung mga sumusuporta sa amin. We will not let them down," aniya.

Dagdag pa ng Pambansang Bae, "We're very happy that all things are going well, and we're very happy with all the blessings that's coming our way."

Halos isang taon rin ang nakalipas mula nang huling lumabas sa isang teleserye si Alden, at ngayon nga ay kabilang siya sa mga bida ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia" bilang ang Mulawin na si Lakan.

Sa ngayon, tulad ng marami, naghihintay lamang ng balita ang Kapuso actor tungkol sa susunod na hakbang para sa pinakabagong AlDub project.

"That's something to look forward to, and that's very exciting. In everything that we do, we make sure na nagle-level up," aniya.

 

 

Grabe... ????????????

A photo posted by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

 

Ayon sa ilang GMA Network executives, kaabang-abang ang mga inihahanda nilang proyekto para sa tinaguriang phenomenal loveteam.

"Definitely, sobra kaming excited sa pine-prepare namin. Pero sabi nga ng 'Eat Bulaga,' ire-reveal namin 'yan sa tamang panahon. Malapit na. Kaunting tiis na lang," pahayag ni GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth Rasonable.

Ayon naman kay GMA Network Programming consultant at GMA Films, Inc. President Annette Gozon-Abrogar, "Masusundan 'yan. Mga next year, may mga plano na... 'Yung next talaga niya ay 'yung soap nila ni Maine. The movie will come after that."

 

 

A photo posted by Annette Gozon (@annettegozon) on

 

Maliban sa tuloy-tuloy niyang pagbida sa variety shows na "Eat Bulaga!" at "Sunday Pinasaya," mapapanood rin ngayon si Alden sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia," kung saan gumaganap siya bilang ang Mulawin na si Lakan. —NB, GMA News