ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Winwyn Marquez, nagpahayag ng saloobin sa nangyari sa half-brother na si Mark Anthony


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang ilang araw na pananahimik, naghayag na ng kanyang saloobin si Winwyn Marquez hinggil sa pagkahuli at pagkakulong ng kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez.

Sina Winwyn at Mark Anthony ay mga anak ng actress-politician na si Alma Moreno.

Ang ama ni Winwyn ay ang actor-politician na si Joey Marquez, habang ang namayapang aktor na si Rudy Fernandez naman ang ama ni Mark Anthony.

Sa pamamagitan ng Instagram, naglabas ng saloobin si Winwyn sa mga pangyayari.

Bukod kasi sa pagkakulong ng kanyang kuya ay pumanaw din kamakailan ang tumatayong ama ng nobyong si Mark Herras.

Sabi ni Winwyn, “I don't quite understand why everything is happening at the same time. Sunod-sunod.

“I pray for my brother's safety I pray na sana matapos na lahat to.

“They don’t know how good you are to us and everyone around you and I pray for my mom's health.

“Please don’t worry too much, maayos din lahat.

“I pray for Tito Hermi's soul who left us so early at biglaan.

“Ang nag-alaga at tumayong tatay ni Mark at napamahal na din sa akin ng sobra.

“Salamat sa lahat tito.”

Nagbigay rin siya ng mensahe ng pagsuporta sa nobyo na nagdadalamhati rin ngayon.

Saad niya, “Pangga @angelo_herras you have me and i have you. We'll take care of each other.

“Sa isat isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon.

“Matutupad wish ni tito ga gagawin natin yun.

“I know everything will be okay...i love you so much.”

 

 


-- for more showbiz news, visit PEP.ph