How white brings out Kim Domingo's beauty
Patuloy na gumagawa ng marka sa showbiz ang French-Pinay Kapuso star na si Kim Domingo, na kilala hindi lamang sa kaniyang pag-arte at pagpapatawa, kundi maging sa kaniyang pagkanta.
Patok din ang mga post niya sa social media, kung saan lalong lumulutang ang ganda ni Kim suot ang iba't ibang puting damit. Tanong ng maraming fans: Is white Kim's favorite color?
Bago pa siya sumikat sa industriya, sikat na sa social media ang ganda ng sexy singer-actress, kaya naman binansagan siyang pinakabagong “Pantasya ng Bayan” mula nang lumabas siya sa telebisyon.
Maliban sa kaniyang pagbida sa “Juan Happy Love Story” at “Bubble Gang, modelling, acting, at dancing projects, inilabas na rin ngayong taon ang debut song ni Kim na “Know Me.”
Nakatakda rin siyang bumida sa isang horror-comedy film kasama sina Vhong Navarro, Valeen Montenegro, at Jaclyn Jose, na maaaring mapabilang sa Metro Manila Film Festival 2016. —JST, GMA News