Mikee Quintos hopes to find success in music
Maliban sa kaniyang pagganap sa “Encantadia” at iba pang programang Kapuso, pangarap din ni Mikee Quintos na maging isang singer.
Ayon kay Mikee, bata pa lang ay hilig na raw niya ang musika. Kaya naman natuto na siyang tumugtog ng gitara sa edad na 10-taong-gulang.
Marunong din umano siyang mag-ukelele at mag-piano.
Isa raw sa mga pangarap niya ay magkaroon ng sariling record album.
“An album, it's a dream din when I was in high school. Alam mo yung kapag nakikinig ka ng music, may napapa-feel sa'yo? Gusto kong boses ko yung pakikinggan ng mga tao, tapos makaka-feel sila while hearing my voice, hearing my songs. Someday,” pahayag ng dalaga sa idinaos na pocket interview nitong Martes.
Dagdag pa niya, “Right now, I'm very thankful sa lahat-lahat ng blessings ng GMA for me."
Bukod sa mga cover na ibinabahagi niya online, nagtatanghal din si Mikee sa pinapasukan niyang University of Sto. Tomas, kung saan siya kumukuha ng kursong Architecture.
First time singing this genre in front of an audience!! Anything for #TeamArki! Hehe #TYAA2016
A video posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on
Mapapanood ngayon si Mikee bilang Lira sa “Encantadia,” at bilang Ella at Cindy sa “Usapang Real Love: Perfect Fit,” kung saan makakasama niya sina Adnre Paras, Jay Arcilla, at Arra San Agustin. -- FRJ, GMA News