ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

'Pirena vs. Pirena' scene, tinutukan ng mga Encantadiks


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinunghayan ng mga manonood ang episode ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” nitong Miyerkules nang gabi dahil sa pagtatapat ng dalawang aktres na nagbigay-buhay sa iconic character na si Sang'gre Pirena.

Hinarap ni Glaiza de Castro bilang Sang'gre Pirena si Sunshine Dizon, na gumaganap naman bilang ang itim na diwata na si Adhara.

Kasama rin sa labanan sina Kylie Padilla bilang Sang'gre Amihan at Diana Zubiri bilang Lilasari.

Matatandaang bago ang kaniyang pagbabalik sa remake at retelling ng fantaserye ngayong taon, binigyang-buhay ni Diana si Sang'gre Danaya sa orihinal na “Encantadia” noong 2005.

Maraming Encantadiks ang tila napa-throwback sa natatanging labanang ito, na tinawag pa ng ilang bilang “Pirena vs. Pirena scene.”


Encantadia: Amihan at Pirena laban kina Adhara... by encantadia2016

 

Sa naunang pahayag, sinabi ni Glaiza na kakaiba ang pakiramdam ngayong kasama nila ang dalawa sa main cast ng orihinal na “Encantadia.”

“Tuwing pinapanood ko sila sa TV, parang kinikilabutan ako. Parang nostalgic ang pakiramdam, especially if you're a fan. Nakakaiyak 'yung feeling na makita mo sila ulit after 10 years na magkasama,” aniya.

Dagdag pa ng akres, “Kung puwede nga, kumpleto sila. Ang saya. Kaso parang imposible. But they're still supporting us. Nagme-message, nagi-encourage.” —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News